2.28.2012

Para Sa Iyo Kuya

Ang pag-ibig ganyan lang ba para sa 'yo
Napakadaling bitawan, binato sa malayo
Anung pagkakamaling ginawa ng tao
Upang saktan mo nang sobra, nang ganito

Naisip mo ba ang iyong supling
Ayaw mo na ba sa kanyang piling
O ang iyong inirog
Na iyong sinaktan sa me ilog

Di ka na bata para pagsabihan
Pero sa iyong asal daig ma ang me karamdaman
Akala ko ika'y nagbago
Yun pala di na natuto

Ang tanging mensahe ko
sa isip mong kaygulo
Wag idaan sa sigaw ang usapan
Nang di malabo ang kahihinatnan

No comments: